Skip to main content

I-embed ang webtoon sa blog o website mo

Ilagay sa blog o website mo ang webtoon mula sa Community para makapag-swipe ang mga mambabasa at mabasa ito roon mismo.

Huling na-update: Oktubre 30, 2026
Sa pahinang ito

Pangkalahatang-ideya

Puwede mong ilagay sa blog o website ang webtoon na inilathala sa Community gamit ang I-embed. Kung kino-convert ng site ang link na ipinaste mo bilang webtoon o puwede kang magdagdag ng HTML code, makakapag-swipe ang mga mambabasa sa mga panel doon mismo nang hindi pumupunta sa GenToon. Sa ibang site, bubukas ang webtoon kapag na-click ang link.

Lalabas ang mga opsyon gaya ng laki at paraan ng pagbasa kapag na-click mo ang Iba pang opsyon sa embed window. May mga detalyadong tip para sa iba't ibang platform sa gabay sa pag-embed namin.

Saan ito makikita

Makikita ang I-embed sa ibaba ng post ng webtoon, katabi mismo ng button na pang-share. Sa makikitid na screen, gaya ng sa mga phone, icon na </> lang ang makikita, walang label. Magagamit mo ito kahit hindi ka naka-sign in.

Mga hakbang

  1. Buksan ang post ng webtoon na gusto mong i-embed, tapos i-click ang I-embed.

  2. Kung kino-convert ng site mo ang ipinaste na link bilang webtoon, gaya ng self-hosted WordPress, i-click ang Kopyahin ang link at i-paste ang link sa post mo.

  3. Kung hindi kino-convert ng site ang link bilang webtoon, i-click ang Kopyahin ang code at i-paste ito sa HTML editor ng site mo. Kung walang HTML editor ang site o bina-block nito ang code mula sa ibang site, i-paste na lang ang link. Bubukas ang webtoon kapag na-click ito.

Mga dapat tandaan

Nakatulong ba ang artikulong ito?

Kailangan mo pa ng tulong?

Padalhan kami ng mensahe at sasagutin ka ng GenToon team.